by mingming (25 Sept. 2008)
naalimpungatan ang pusa sa bintana. kumaripas. rrrriiiinnnnggg. rrrrriiiinnngggg. bumalikwas ang natutulog na si kulas. hello. rainier. hindi po si rainier ito. muntik ng ibato ang telepono sa pusang tumakbo. sabay higa at pikit. rrrriiiinnnnggg. riiiinnnnnggg. hello. rainier. si rainier catacutan ba ito? yung nagtatrabaho sa congress? nagtatrabaho din po ko sa gobyerno pero hindi po si rainier ito. wrong number po. alas otso na pala. tanghali na. nakapikit na naligo at nagbihis. miyaw. miyaw. mingming, gutom ka? maghanap ka muna ng daga. mamaya uuwian kitang siopaw. nanlaki ang mata ng pusa. biro lang, ming. siksikan na naman sa mrt. kelan ka kaya magkakakotse? kakatamad. taas pamandin ng sahod mo. umuwi ka na lang kaya sa inyo? sa negosyo ng tatay mo? pride. hirap.
rrrrriiinnnng. rrrrriiinnng. hello. rainier? asawa ba ito ni rainier? hindi po. sorry po. kumaripas ang natutulog na pusa. pikit uli. sarap matulog. rrrrrrriiiinnng. rrriiiinnng. hello. rainier? sorry po sir, wrong number po. hindi po ito asawa ni rainier. nagtatrabaho po ko sa gobyerno pero wala po kong kilalang rainier. alas otso na pala. tanghali na. nakapikit na naligo at nagbihis. miyyyawww. miyyawww. kulas? gutom ka na? walang pagkain. hanap ka muna ng daga. mamaya uwian kita ng siopaw. biro lang. siksikan na naman sa mrt. kakatamad. late ka na naman.




